Frequently Ask Questions (FAQs)

Sagot: Pumunta lamang po kayo sa aming opisina na matatagpuan sa Block 6 Lot 11, Tupi Pilot Subdivision. Pwede rin po kayong tumawag sa aming telepono bilang 226-1008 o sa aming cellphone number 09504457776 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Sagot: Magdala lamang po kayo ng photocopy ng sedula, barangay clearance at dalawang valid IDs at isang patunay ng pagmamay-ari gaya ng mga sumusunod: titulo ng lupa, deed of sale. Kung kayo naman po ay hindi nag mamay-ari ng lupa or bahay dalhin lamang ang authorization from the landowner or house owner. Kung kayo naman po ay nangungupahan ng pwesto dalhin lamang ang lease of contract. Kung kayo naman po ay nakatira sa pang publikong lupa dalhin lamang ang DENR certification, certification from the brgy. captain at affidavit of waiver. At magdala ng certificate of attendance to NSC orientation at ng long brown folder.
Sagot: Ang halaga ng inyong babayaran sa pag-apply ng koneksiyon ng tubig ay 2,300 kasali na ang installation mula sa water meter. At magmula sa kuntador hanggang sa inyong bahay hindi na kasali ang labor fee at mga materyales na gagamitin tulad ng gate valve, meter stand at fittings.
Sagot: Ang tubig ng Tupi Water District ay nanggagaling sa groundwater mula sa aming mga pump station sa Gunzales Pump Upper Tupi (Pump Station 1), Sta. Lucia Old Pump Crossing Kablon (Pump Station 2), Upper Cebuano (Pump Station 3), Pag-asa Cebuano (Pump Station 4), Sta. Lucia New Pump National High Way, Polonuling (Pump Station 5) at dalawang water spring system na matatagpuan sa Barangay Simbo at isa sa Barangay Linan.
Sagot: Opo. Ang tubig na galing sa aming mga pump station at reservoir o imbakan ng tubig ay ligtas at 100% na naiinom.
Sagot: Opo. Ipinapaalam po ng water district sa mga costumer kapag may water service interruption maliban nalang kapag may biglang pagkasira ng pasilidad. Ipinapaalam sa pamamagitan ng pag post ng anunsyo sa opisina, facebook page at website.
Sagot: Kapag nawala o nasira ang metro ng tubig ang mananagut ay ang may ari ng metro ng tubigan kaya hinihikayat po namin kayo na pangalagaan ito.
Sagot: Ang tagas po ng tubig mula sa water meter papunta sa mainline at sa lahat ng mga pipeline sa mga kalye ay sagutin po ng inyong water district samantalang ang tagas ng tubig galing sa water meter papunta sa loob ng bakuran ay sagutin na ng may-ari.