Sa lahat po ng consumidor ng Tupi Water District.

Kami po’y taos pusong humihingi ng paumanhin dahil meron po tayong kakulangan ng tubig sa ibat-ibang bahagi ng tupi.

Sa bahagi po ng 27th IB hanggang sa may bulangan ay makakaranas po tayo ng kakulangan ng tubig sa kadahilanan ng pag patay ng makina sa sta. Lucia pump station dahil sa lubog na tubig na lumalabas sa tubo na epekto ng lindol kaya nagkaroon ng problima ang pump. Mahigit tatlong linggo na po ang pag flushing ngunit hindi parin sapat kaya patuloy paring ginagawan ng paraan para maalis ang lubog na tubig.

Sa bahagi ng brgy. Linan ay magkakaroon po tayo ng schedule sa tubig. Simula 10am – 4pm magkakaroon po tayo ng tubig at pag sapit ng 4pm – 10pm ay mawawalan napo tayo ng tubig dahil kinakailangan po na patayin ang makina upang mapuno ang dalawang tanke.

Sa bahagi naman ng brgy. Cebuano purok pag -asa 1 pansamantala po muna tayong walang tubig dahil sa nasirang makina. Ginagawa na po namin ang paraan upang maibalik ng maayos ang serbesyo ng tubig.

Salamat po sa pag-unawa.

By: Tupi Water District Management